perstaym

5 06 2009

First Posted by ai-kit on June 5, 2009 at 3:15pm

Source: FTV Network Ning Site

Nagkaroon ako ng unang kasintahan noong akoo’y disisiete anyos. Tumagal lamang ng dalawang buwan ang illegal na relasyon na siya din naman ang tumapos. Oo, espesyal sa akin ang relasyon na iyon dahil ito ang una kong relasyong seryoso. Ngunit sa kabila ng pagiging espesyal nito, punong-puno ito ng pagsisisi. Oo, pinagsisisihan ko na pinasok ko ang isang bagay na bunga ng padalos dalos na mga desisiyon. Kahit na may mga bagong karakter na dumating sa aking buhay ang hindi ko pa din maialis ang takot na maulit ulit ang kalapastanganang naranasan ko (exagge ah). Hanggang ngayon, pag nakikita ko ang aking dating nobyo, may halong pagkasuklam pa din ang bawat ngiti kong ibinibigay sa kanya.

Ano namang koneksyon nito sa pagiging isang first time voter? Simple lang. Dalawang puntos. Una, sasabak na naman ako sa isang bagay na “first time” para sa akin. Mas mangingibabaw na naman ang emosyon ng pagkasabik, pero syempre, hindi ito dapat ang maging tanging sukatan sa pagpili. Hindi tulad ng aking pumalpak na relasyon na pagkasabik lamang ang aking pinagana. Padalos dalos kung baga. Sa darating na eleksyon, aalisin ko ang emosyong iyon. Bawal magpadalos dalos. Bawal ang maskipops/basta na lang. Pangalawa, titimbangin ko ng husot ang abwat panaglang isusulat ko sa aking balota. Ayoko ng araw araw nagsisisi. Hindi na ako magpapadala sa pa-tweetums/pa-sweet sweetan. Hindi lang naman kasi ako ang maaring magsisisi dahil sa isa na namang maling desisyon, marami tayong magsisisi–na naman.

Isa sa mga batayan ng isang mature na indibidwal ay ang kakayanang pumili. Ito man ay sa pagpili ng susuotin, pagpili ng nobyo, pagpili sa tamang sagot, hanggang sa pagpili ng mga susunod na mamumuno. Wastong pagtataya, wastong pagtitimbag, at laging isa isip sang kapakanan ng nakararami. Simpleng mga pamantayan. 🙂

Advertisements

Actions

Information

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s




%d bloggers like this: